Batang Katulad Ni Darwin

“Sa mundong hindi ka tanggap at walang naniniwala sa’yo, narito ako upang maging iyong gabay at liwanag patungo sa magandang kinabukasan.”

Bago pa man ako maging bahagi ng Teach for the Philippines, nakilala ko si Darwin sa isang community immersion sa Biñan, Laguna. Nag-aaral siya sa Dela Paz Main Elementary School at nasa ika-limang baitang (noong panahong iyon). Kung aking mailalarawan, si Darwin ay isang pangkaraniwang bata na umaasta ayon sa kanyang baitang. Hindi maituturing na espesyal, pero hindi rin ganun kaordinaryo.

Higit sa kanyang panlabas na anyo ay pumukaw sa akin ang kwento ni ‘Cher Ging na kanyang guro sa pagbabasa. Si Darwin pala ay labing tatlong taong gulang, mas matanda kaysa sa kanyang mga kaklase, at nahihirapan pa rin bumasa. Bihira lamang siya dumalo ng reading remedials kung kaya’t madalas itong bumabagsak. Sa araw na iyon, naroon kami upang kausapin ang mga magulang ni Darwin.

Pagdating namin sa tahanan nila ay malugod kaming sinalubong ng mga kapitbahay at ng kanyang lolo. Sila na lamang ang nagpapalaki kay Darwin. Ipinaalam nila ‘Cher Ging ang sitwasyon ng bata at ang maaari nilang maitulong sa bahay upang makatapos ito ng pag-aaral. Sa halip na suporta at pag-intindi ang aming marinig sa bibig ng matanda, walang hintong pinagsabihan at pinagalitan si Darwin – sa harap namin at ng mga kapitbahay.

Hindi ko lubos maisip ang nararamdaman ni Darwin. Nakayuko lang siya at tila nahihiyang nasa kanya ang atensyon ng lahat. Iniiwas niya ang tingin sa mga nasa paligid at walang magawang nilalaro ang kanyang tenga. Ano nga ba ang mararamdaman ko kung ako ang nakaupo sa silyang iyon? Lamunin na sana ako ng lupa. Hindi dahil ako’y nahihiya kundi dahil ang taong inakala kong naniniwala sa akin ay wala pala talagang pag-aaruga sa akin. Marahil ay maiiyak ako sa ganung sitwasyon.

Ngunit inilagay ko rin ang aking sarili sa pwesto ng kanyang lolo. Hindi ko magagawang magalit sa kanya o sa kanino man na magulang na ninanais lamang na matuto ang kanilang anak. Ang tanging kailangan lamang ay ipaintindi ang kanilang gampanin sa loob ng bahay upang mapagyabong ang pagkatuto ng mga bata.

Kung kaya’t bago ako nagtraining bilang guro, isinapuso ko ang alaala ko kay Darwin. Ang mga batang katulad niya na pinagkaitan ng paniniwala at pagtanggap ang siyang aking naging inspirasyon upang magpatuloy. At iyon pa rin ang aking magiging motibasyon sa darating na pasukan. Bilang guro, pinapangako kong maniniwala ako sa kakayahan ng aking mga estudyante at sa kanilang mga pangarap. Magiging mahirap ngunit ito’y aking paninindigan.

Subalit, sapat na nga ba ang isang taong handang maniwala sa kanila?

All smiles,

cropped-donna-the-daydreamer1.png

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s