Nang Isang Araw Ako’y Naligaw

Minsan ako’y naligaw sa isang lansangan / kung saan di ko mawari ang paroroonan

Sa dulong kanto, nag-abang ng masasakyan / ngunit mga tao’y naghahagikgikan

Tila may nakakat’wang kaganapan / di naman napigilang tingnan

Hayun ang babae, pinagpala ng kagandahan / subalit ang gayak ay purong narungisan


Di muna ako lumisan at siya’y  aking kinilatis / nakita kong siya’y lubhang tumatangis

Akin siyang nilapitan, alingasaw niya’y tiniis / kinuha ang panyo, luha at dumi’y inalis

Dumami na rin ang mga tao, ako’y naiinis / pagkat pinababayaan lamang sila ng mga pulis

Rinig ko ang kanilang mga usapan at tsismis / amin nang nilisan ang lugar ng mabilis


Sa isang malapit na carinderia kami’y naupo / ang babaeng ito ay tila nahahapo

May dinukot siya mula sa kanyang buslo / isang salamin at suklay pampagwapo

Aking tinanong, “anong pangalan mo?” / pero di siya sumagot at tinuro lang ako

Nagtataka man, nagpakilala akong ‘Alfredo’ / sa malalim na boses, siya’y tumugon, “ako rin si Alfredo.”




Donna, the daydreamer

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s